Jover Laurio may mensahe para kay Aga Muhlach para sa pagbanat nito kay Trillanes: ‘You need to get off from your high horse, Sir’

Nagpaunlak ng isang “Open Letter” sa tanyag na artistang si Aga Muhlach ang tumatayong tiga – suporta ni Magdalo Party list Representative Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV kaugnay sa binitawang salita ng aktor para kay Trillanes sa naging guesting nito sa programang ‘Ganda Gabi Vice’ ng ABS – CBN.
Ibinahagi ng kilalang political blog site na ‘Pinoy Ako Blog’ ang naging mensahe ng may akda para sa aktor matapos nitong pinabulaanan ang Senador sa isang bahagi ng show kung saang kasama nito ang kapwa – artista na si Ms. Bea Alonzo habang pinapalaganap ang pelikulang “First Love”.
Nang nagkaroon ng pagkakataong magsalita si Muhlach para kay Trillanes, sinabi ng aktor na, “Tama na, hindi ka ba napapagod dapat sumuporta ka na lang kay Pangulong DU30 dahil ginagawa naman nya ang lahat.” – na may dalang pagka – inis.
Bagay na dinipensahan naman nitong tiga – suporta ni Trillanes at sinabing, “sabagay, hindi ka naman apektado sa extrajudicial killings kasi ang bahay ay marahil nasa gated community. Ano nga ba naman ang pakialam mo sa mga inosenteng batang ito?”
Aniya, “Si Senator Trillanes mula sa simula kaya siya nagsasalita para mabigyan ng katarungan ang mga batang yan at iba pang biktima.”
Kinuwestiyon din ng may akda kung ano nga ba ang tinutukoy ni Muhlach na “ginagawa na ang lahat” ng Pangulo. Aniya, kung talagang may malasakit ang Pangulong Duterte para sa bayan, hindi niya hahayaang may mapapaslang na kababayan ng dahil lamang sa iligal na droga.
Kasabay na rin nito ang usapin kaugnay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) na naging pangunahing dahilan kumbakit naghihirap ang karamihan sa mga Pilipino. Bagay na hindi naman daw ramdam ng aktor dahil MAYAMAN siya.
Mababatid na dati nang nag-post sa twitter account nito si Senator Trillanes kaugnay sa pagpapatupad ng TRAIN LAW nito lamang taon. Ayon sa tweet ng Senador, “TRAIN law: the best Christmas gift to the Filipino people” – Duterte … Pwede bang ibato sayo ang regalo mo?”
Depensa naman ng matalinong may akda, “gusto lamang ipagtanggol ng senador ang magandang buhay sa bawat Pilipino.”
Nakuha pa nitong himukin ang aktor na babaan na lamang ang pananaw nito upang isang maging mabuting ehemplo sa nakararami at magamit ang boses nito sa tamang pamamaraan.
Aniya, “you need to get off from your high horse, Sir. You are an influencer because you are a star, gamitin mo sana ang boses mo sa tama.”
“Those who are silent, when others are oppressed are guilty of oppression themselves.” Dagdag pa nito.
Ang naturang segment ng video ay tinanggal na ng mismong home network na ABS – CBN.
Source: pinoyakoblog.com
© Citizen Balita Phil
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of citizenbalitaphil.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
Ows...si aga pa ngayon ang mali..gamitin mo naman isip mo jover. walang masama sa sinabi ni Aga..katotohan ang ipinabatid niya.talagang nadidihado kayo kasama na mga dilawan sa mensahe nya kaya ganoon kayo maka react...
ReplyDeleteBalita ko may part 2 pa si Aga..para sa inyo...🔥🤜🤜🤜